Ano ang Android

Ang platform na bumabago sa kung ano'ng kayang gawin ng mobile.

Napapagana ang iyong telepono, tablet, relo, TV, at sasakyan.

Kung ang device na dati'y gumagana lang ay ngayo'y nagpapadali ng iyong buhay, asahang Android ang nasa likod nito. Android ang dahilan kung bakit iniiwasan ng iyong GPS ang trapiko, nakakapag-text ka mula sa iyong relo, at nakakasagot ng mga tanong ang iyong Assistant. Ito ang operating system ng 2.5 bilyong aktibong device. Mula sa mga 5G na telepono hanggang sa mga kamangha-manghang tablet, pinapagana ng Android ang lahat ng ito.

Seguridad

Nananatiling ligtas ang iyong telepono dahil sa built-in na seguridad.

Kapag Android ang ginagamit mo, magkakaroon ka ng serguridad sa simula pa lang at hindi ito kailanman hihinto sa paggana. Sina-scan ng Google Play Protect ang lahat ng iyong app, regular na kumukuha ng mga update sa seguridad ang software, at palaging humuhusay ang platform. Parang isa itong security guard na hindi kailanman nagbe-break, natutulog, o nagbabakasyon.

Matuto pa

Ikaw pa rin ang may kontrol sa iyong data.

Sa Android, mapagpapasyahan mo kung kailan at kung dapat bang ibahagi ang iyong data, gaya ng data ukol sa iyong Aktibidad sa Web at App at History ng mga Lokasyon binisita mo. Kung ia-aaccess ng isang app ang iyong lokasyon habang hindi mo ito ginagamit, makakakuha ka ng notification. At kung gusto mong baguhin ang mga pahintulot, nasa iisang lugar ang iyong Mga setting ng privacy. Ikaw ang namamahala sa Privacy mo.

Matuto pa

Nakakatulong na teknolohiya.
Para sa lahat.

Magkakaiba ng paraan ng paggamit ng device ang bawat tao. Kaya gumagawa kami ng mga accessible na feature at produkto na gumagana sa iba't ibang pamamaraan base sa kung paano gustong maranasan ng bawa't tao ang mundo. Mga screen reader, sound muffler, at maging mga AR na gabay sa paglalakad. Dahil pagdating sa teknolohiya, walang iisang uri na lapat sa lahat.

Magsimula

Mga telepono at tablet.
Hanapin ang para sa iyo.

AR-gaming phone. Tablet na kaya ang construction site. Pinapagana ng Android ang mga opsyon sa kahit anong posibleng gusto mo.

TINGNAN LAHAT