Paano maglipat ng data sa pagitan ng mga Android phone1:
Hakbang 1: Ikonekta ang parehong telepono nang wireless.
I-on ang iyong bago at dati nang mga Android phone.
Ang bago mong Android phone ay magbibigay sa iyo ng mga tagubilin sa screen para ikonekta ang luma mong device.2
Hakbang 2: I-activate ang iyong SIM at mag-sign in.
Pagkatapos, sundin ang mga tagubilin sa screen para i-activate ang iyong SIM, idagdag ang Google Account mo, at i-set up ang biometrics.
Hakbang 3: Piliin ang iyong data.
Pagkatapos nito, pipiliin mo kung anong data ang gusto mong kopyahin mula sa dati mong Android phone.
Hakbang 4: Ilipat ang iyong data.
'Yun na 'yun! Lilipat ang iyong data habang kinikilala mo ang bago mong telepono.
Android Switch
Sa Pixel, puwede kang maglipat kahit na pagkatapos ng pag-set up.
Kung isa kang Pixel 9, Pixel 9 Pro, o Pixel 9 Pro Fold user, puwede mo na ngayong i-access ang Android Switch pagkatapos mong ma-set up ang iyong device.
Hanapin ito sa mga setting, o sa Google Play Store.
Humingi ng suporta
Tingnan ang aming Help Center para makakuha ng mga sagot. Para sa suporta ng concierge, puntahan ang mga link sa ibaba:
Pixel SamsungMas maraming opsyon, mas maraming posibilidad.
Hindi mo pa ba alam kung ano ang magiging bagong telepono mo?
Mag-explore ng mga telepono rito