Lumipat sa Android mula sa iPhone. Mas madali na ngayon.
Mananatiling kasama mo ang iyong mga paboritong app, larawan, chat, at higit pa. Sa Android, gamitin ang mga parehong accessory, manatiling protektado, at maghanap ng teleponong bagay sa iyo.
Mananatiling kasama mo ang iyong mga paboritong app, larawan, chat, at higit pa. Sa Android, gamitin ang mga parehong accessory, manatiling protektado, at maghanap ng teleponong bagay sa iyo.
Lumipat nang may kumpiyansa
Dahil sa mga bago mong madalas na puntahang app, accessible na pakikipag-video chat at pag-text, compatibility ng device, palaging naka-on na seguridad, at higit pa, simple lang ang paglipat sa Android.
Ligtas na ilipat ang iyong data
I-on ang bago mong Android phone. Sundin ang mga prompt sa screen para ilipat ang iyong data mula sa iPhone at i-set up ang bago mong telepono. Gamitin ang cable ng dati mong iPhone pero kung wala kang ganito, puwede kang maglipat nang wireless.
Pinakamabilis at pinakakomprehensibo
Para mailipat ang pinakamaraming data, inirerekomenda naming gamitin ang Lightning cable ng dati mong iPhone.
Kung walang cable
Puwede mong ikonekta ang bago mong Android at ang luma mong iPhone nang wireless para maglipat ng mas limitadong hanay ng iyong data.
Bakit magandang lumipat sa Android
Sa Android, puwede kang gumawa ng experience na naaangkop sa iyo. Sa pamamagitan ng mga nakakamanghang app tulad ng Google Photos, mga bukod-tanging device, at mahusay na proteksyon, maipapahayag, mapapalawak, at mae-explore mo ang iyong mundo nang higit pa kaysa dati.
Bakit magandang lumipatMga FAQ