Pinagsama ang proactive na seguridad at advanced na proteksyon.

Mahusay at proactive na proteksyong built-in na sa Android device mo para makatulong na panatilihing ligtas ang iyong data.

Proteksyon laban sa spam at phishing

Iwasan ang mga spammer at kahina-hinalang site.

Awtomatikong i-filter ang mga mensahe ng spam at phishing at i-screen ang mga spam na tawag. Kampanteng mag-browse sa web dahil alam mong magbababala sa iyo kung bibisita ka sa natukoy na mapanganib na site.

Subukan ang Google Messages
Close up ng taong gumagamit ng kanyang telepono habang nasa couch. May mga animated na icon at text para sa scam na email, mga spam na mensahe, hinihinalang spam na tumatawag, at website ng phishing na nakalutang sa paligid ng imahe ng tao.

Proteksyon sa pagnanakaw

Advanced na intelligent na proteksyon sa pagnanakaw.

Tumutulong ang mga proactive na proteksyon na panatilihing ligtas ang iyong data bago, habang ang, at pagkatapos ng pagtatangkang pagnanakaw.

I-on ang proteksyon sa pagnanakaw

Google Play Protect

Tuloy-tuloy na proteksyon laban sa malware at mapaminsalang app.

Sinusuri ang lahat ng app bago gawing available para i-download ang mga ito. At nakakatulong ang pag-scan araw-araw para i-disable ang anumang malware at mapaminsalang app na mahahanap sa iyong device.

Magsagawa ng scan sa device
Pabilog na animation na may simbolo ng pag-scan at text sa gitna. At may mensaheng nagsasabing “walang nakitang mapaminsalang app.”

Mga update sa seguridad

Makakuha ng seguridad na palaging ina-update.

Nagbibigay ang mga tuloy-tuloy na update ng mga pag-aayos para sa mga posibleng isyu at ina-upgrade ng mga ito ang mga pangkaligtasang feature ng iyong device para makatulong na labanan ang mga kasalukuyang banta.

Matuto tungkol sa mga update sa seguridad
Outline ng Android phone na may notification na nagsasaad na up-to-date ang system. May kasamang ibang detalye kabilang ang kasalukuyang bersyon ng Android at ang petsa at oras ng huling pag-update.

Seguridad ng Google account

Manatiling ligtas online.

Pinoprotektahan ng Google ang iyong account sa pamamagitan ng pag-encrypt ng data mo at pag-aalerto sa iyo tungkol sa mga kahina-hinalang pag-log in. Nakakatulong ang Google Password Manager na panatilihing ligtas ang iyong mga password at nagdaragdag ang 2-step na pag-verify ng isa pang layer ng proteksyon.

Magsagawa ng pagsusuri sa seguridad
Outline ng Android phone na may graphic ng security checkup sa Google account at mensaheng nagsasaad na walang nakitang isyu. May kasamang animated na checklist kung saan kasama ang iyong mga naka-save na password, device, at kamakailang event tungkol sa seguridad.

Mga secure na pagbabayad

Proteksyon sa pagbabayad na nangunguna sa industriya.

Built-in ang seguridad at privacy sa bawat bahagi ng Google Wallet para panatilihing protektado ang mahahalaga mong bagay. Ine-encrypt ng Google Pay ang lahat ng pagbabayad at hindi nito kailanman ibinabahagi ang numero ng card mo.

Subukan ang Google Wallet
Larawan ng taong nakaupo sa hapag-kainan hawak ang telepono niya. Sa ibabaw ng larawan, may graphic overlay ng outline ng Android phone na may naka-encrypt na credit card sa loob nito.

Proteksyon ng data

Panatilihing ligtas at naka-back up ang iyong data.

Secure na ine-encrypt ang data ng iyong device gamit ang PIN, pattern, o password. At awtomatikong bina-back up ang lahat sa cloud para madali mo itong ma-restore sa bagong device kung mawala mo ang dating device.1

Matuto tungkol sa pag-back up ng device
Outline ng Android phone na naglalaman ng mga detalye ng pag-back up.  Kabilang sa ipinapakitang impormasyon ang nauugnay na Gmail account, mga detalye ng nagamit at available na storage, button ng call-to-action na pamahalaan ang storage, naka-on na toggle ng pag-back up sa Google One, button ng call-to-action na Mag-back up ngayon, at text na nagsasaad na awtomatikong nagba-back up ang iyong telepono sa pamamagitan ng WiFi pagkatapos nitong maging idle habang naka-charge nang 2 oras.
Close up ng camera sa likod ng isang Android phone.

Mga Telepono

Hanapin ang teleponong tamang-tama para sa iyo. 

Pumili ng mga telepono mula sa mga paborito mong brand, na may mga kapaki-pakinabang na feature mula sa Google ang lahat.

Mag-explore ng mga Android Phone
Logo ng Android na nakalagay sa UI ng toggle.

Lumipat sa Android

Ngayon lang naging ganito kadaling lumipat.

Secure na ilipat ang iyong mga larawan, video, mensahe, at higit pa mula sa iPhone mo papunta sa iyong bagong Android phone.

Lumipat na

Magtakda ng mga hangganan ng privacy

Mas kontrolin pa ang iyong privacy.

Walang kahirap-hirap na pamahalaan kung paano ibinabahagi at ginagamit ang iyong data. I-access ang lahat ng iyong setting ng privacy sa iisang lugar at walang hirap na baguhin ang mga pahintulot sa tuwing gusto mo.

I-personalize ang iyong experience sa privacy
Kumukuha ng selfie ang isang user kasama ng mga kaibigan niya gamit ang isang Android smartphone. At pino-prompt ng Android na piliin ng user ang level ng access na gusto niyang ibigay sa app para sa pagkuha ng mga larawan at pag-record ng mga video.