Ang iyong privacy sa Android kung paano mo gusto.

Makakuha ng mahusay na proteksyon pagkalabas pa lang sa kahon at ng kakayahang i-personalize pa ang iyong experience sa privacy.

Privacy dashboard

Alamin kung aling mga app ang nakakapag-access ng sensitibong data.

Tingnan kung aling mga app ang nag-access ng iyong camera, mikropono, at lokasyon sa nakalipas na 24 na oras. At pagpasyahan kung aling mga app ang may pahintulot mong magpatuloy na gawin ito.

Matuto tungkol sa privacy dashboard
Graphic animation na nagsasabing nagbibigay ang Privacy Dashboard ng mga detalye tungkol sa kung aling mga app ang nag-access ng iyong camera, lokasyon, at mikropono sa nakalipas na 24 na oras.

Mga pahintulot sa device

Itakda ang mga hangganan ng privacy mo.

Sa Android, mapipili mo kung kailan magbabahagi ng partikular na sensitibong data sa mga dina-download mong app.

May taong nakatayo sa madamong dalisdis na nakatingin sa kanyang Android phone. May graphic overlay na humihingi ng pahintulot na payagan ang isang app na kumuha ng mga larawan at mag-record ng mga video sa ibabaw nito. Kabilang sa mga opsyon sa pahintulot ang pagbibigay ng access habang ginagamit ang app, ngayon lang, o huwag payagan.

Mga pahintulot sa app

Pagpasyahan kung kailan ka magbabahagi ng data.

Magbigay ng access sa mikropono, camera, o lokasyon sa lahat ng oras, nang isang beses lang, o hindi kailanman.

Matuto tungkol sa mga pahintulot sa app
Nakangiti ang isang magulang na naka-wheelchair sa isang Android phone habang kumakanta at sumasayaw ang kanyang anak. May graphic overlay na nagtatampok ng mga detalye ng manager ng pahintulot, kasama ang bilang ng mga app na puwedeng mag-access ng mga sensor ng katawan, kalendaryo, mga log ng tawag, camera, at mga contact.

Manager ng pahintulot

Pamahalaan ang lahat ng iyong pahintulot sa iisang lugar.

I-access at kontrolin ang lahat ng iyong sensitibong pahintulot sa app sa isang pangunahing lokasyon.

Matuto tungkol sa Manager ng pahintulot
Larawan ng grupo ng magkakaibigan na nakaupo sa mabatong lugar sa labas habang nakatingin ang isa sa kanila sa Android phone niya.  May graphic overlay na humihingi ng pahintulot na bigyan ang isang app ng access sa tinataya o eksaktong lokasyon na nakalagay malapit sa larawan. Kabilang sa mga karagdagang opsyon sa pahintulot ang pagbibigay ng access habang ginagamit ang app, ngayon lang, o huwag payagan.

Lokasyon

Kontrolin kung paano ibinabahagi ang iyong lokasyon.

Piliin kung aling mga app ang makakakuha ng iyong tinatayang lokasyon at aling mga app ang makakakuha ng mas tumpak na lokasyon.

Matuto tungkol sa mga pahitulot sa lokasyon
May taong naghahanda ng pagkain sa tabi ng lababo sa kusina habang nakatingin sa kanyang Android phone. May graphic overlay ng notification tungkol sa mga setting na nakalagay sa ibabaw ng larawan. Isinasaad nitong inalis ang mga pansamantalang file mula sa mga hindi ginagamit na app at na-reset ang mga pahintulot.

Awtomatikong i-reset ang mga pahintulot

I-reset ang access para sa mga hindi ginagamit na app.

Kung may app na matagal mo nang hindi nagamit, awtomatikong ire-reset ng Android ang iyong mga pahintulot.

Matuto tungkol sa awtomatikong pag-reset

Seksyon ng kaligtasan ng data

Alamin kung paano ginagamit ng iba't ibang app ang iyong data.

Nagbibigay ang seksyon ng kaligtasan ng data sa Google Play ng mga detalye tungkol sa kung anong data ang maa-access at magagamit ng isang app. Sa pamamagitan nito, kampante kang makakapagpasya kung aling mga app ang ida-download.

Subukan ngayon
May taong nakahiga sa kumot sa damuhan katabi ng service dog niya. Ginagamit niya ang kanyang Android phone. May graphic overlay ng outline ng Android phone na bahagyang nakapatong sa larawan. Naglalaman ito ng mga detalye ng data na ibinabahagi sa mga app, kasama ang data ng lokasyon at personal na impormasyon. May kasamang seksyong nagpapakita ng layunin ng pagbabahagi ng data.

Mga alerto sa tracker

Nakakatulong ang mga alerto sa hindi kilalang tracker na protektahan ka laban sa hindi gustong pagsubaybay.

Awtomatikong nade-detect ng iyong telepono ang mga hindi pamilyar na tracking device na kasama mo at aabisuhan ka nito. Hanapin ang mga ito nang walang kahirap-hirap.1

Matuto tungkol sa mga alerto sa hindi kilalang tracker
Close up ng kanang bahagi sa itaas ng Android phone na may notification tungkol sa mga hindi pamilyar na tracking device kasama ng mapang nagpapakita kung gaano kalayo ang device.

Camera at mic

I-toggle ang mga mata at tainga ng iyong telepono.

Ipinapaalam sa iyo ng Android kapag ginagamit ang iyong camera at mikropono sa pamamagitan ng mga berdeng icon sa kanang sulok sa itaas. I-toggle lang ang mga ito para i-disable ang access sa camera at mic sa buong system.

Matuto tungkol sa mga kontrol ng camera at mic
Close up ng kanang bahagi sa itaas ng Android phone na may berdeng tuldok malapit sa sulok ng screen. Isinasaad ng mga graphic overlay na available ang access sa camera at naka-block ang access sa mic. Mayroon ding icon ng mata na may simbolo ng lock.

Privacy sa Ad

Kontrolin ang iyong experience sa ad.

Tumutulong ang Android na pigilang ma-track ang iyong aktibidad sa iba't ibang app sa pamamagitan ng paglimita sa data na puwedeng ibahagi ng mga app para makapagpakita ng mga ad.

Matuto tungkol sa privacy sa ad
Outline ng Android phone na may naka-animate na lock, na sinusundan ng listahan ng mga ad na pinigilang gumamit ng data ng user.

Protektadong computing

Teknolohiyang nagtitiyak ng kaligtasan at privacy ng iyong data.

Nililimitahan at inaalisan ng pagkakakilanlan ng Android ang iyong data sa mga smart na feature. At pinaghihigpitan nito ang access para matiyak ang iyong privacy at kaligtasan sa teknikal na aspeto.

Matuto tungkol sa protektadong computing
Outline ng Android phone na may mga animated na icon ng lock, mikropono, larawan, at volume.
Close up ng camera sa likod ng isang Android phone.

Mga Telepono

Hanapin ang teleponong tamang-tama para sa iyo. 

Pumili ng mga telepono mula sa mga paborito mong brand, na may mga kapaki-pakinabang na feature mula sa Google ang lahat.

Mag-explore ng mga Android Phone
Logo ng Android na nakalagay sa UI ng toggle.

Lumipat sa Android

Ngayon lang naging ganito kadaling lumipat.

Secure na ilipat ang iyong mga larawan, video, mensahe, at higit pa mula sa iPhone mo papunta sa iyong bagong Android phone.

Lumipat na

Isinasapriyoridad ang pisikal na kaligtasan

Makakuha ng tulong kapag pinakakailangan mo.

Padaliin para sa mga first responder na hanapin ka kapag may krisis. Makatanggap ng mga alerto na makakatulong sa iyong mas mabilis na makahanap ng ligtas na pupuntahan. At makipag-ugnayan sa mga mahal mo sa buhay kapag kailangan mo ng agarang tulong.

I-explore ang mga feature ng pisikal na kaligtasan
May driver ng truck na nakaupo sa likod ng manibela. Sa kaliwang bahagi sa itaas, may animated na overlay na may notification na nagsasaad ng pagka-detect ng pagbangga ng sasakyan, at may 60 segundong countdown clock. At sa kanang bahagi sa ibaba, may animation ng UI na may mga opsyong Ayos lang ako at Tumawag sa 911.