Ang mga Play Protect Certified Android device:
ligtas at secure
Maaaring piliin ng mga manufacturer sa buong mundo na i-preinstall ang mga pinakasikat na Google apps sa mga Android device. Sine-certify ng Android team sa Google ang mga device na ito upang matiyak na secure ang mga ito at nahandang paganahin ng mga ito ang mga app mula sa Google at Play Store.
Nasuri ang kaligtasan
Nagbibigay kami ng daan-daang pagsusuri para matiyak na sumusunod ang mga Play Protect certified devices sa Android security and permissions model at na mayroon silang software builds na may bagong security update. Ang mga Play Protect certified devices ay kailangan ding mag-ship nang walang pre-installed malware at may kasamang Google Play Protect, isang grupo ng security features tulad ng awtomatikong pag-scan ng virus at Find My Device. Nagbibigay ito ng batayan ng proteksyon laban sa malware, mga privacy hacks at marami pa.
ALAMIN ANG TUNGKOL SA GOOGLE PLAY PROTECTPumili sa milyon-milyong app sa Play Store
Tinitiyak ng aming 100,000+ na compatibility tests na gumagana nang maayos ang mga apps sa Play Store. Sinusuri ng mga test na ito ang basic features na kailangan ng mga apps, tulad ng pag-back up, pag-restore, at pag-playback ng mga biniling video.
TINGNAN ANG LAHAT NG APP SA PLAY STOREHanapin ang logo ng Play Protect
Kapag namimili para sa isang bagong device, hanapin ang logo ng Google Play Protect para makasigurado na ang device ay may kasamang mga benepisyong pang-seguridad mula sa Play Protect certification.
I-EXPLORE ANG PLAY PROTECTMga Karaniwang Tanong (FAQ)
Aling mga manufacturers ang naghahatid ng mga Play Protect certified devices?
Tingnan ang aming mga top partners na lisensyadong maghatid ng mga Play Protect certified devices.
I-browse ang Mga PartnerAno ang gagawin ko kung ang aking aparato ay hindi Play Protect certified?
Kung hindi Play Protect certified ang iyong device, hindi namin natiyak ang mga pangunahing security features Maaari ring hindi gumana gaya nang nilalayon ang mga app mula sa Google at mula sa Play Store. Mangyaring tandaan na ang iyong device ay maaaring hindi secure at maaaring hindi gumana nang wasto.
Inirerekumenda namin na kontakin mo ang iyong device manufacturer o retailer para humingi ng isang Play Protect certified device.