Quick Share na ngayon ang Nearby Share.

Matuto pa

Pinadali ang wireless na pagbabahagi sa PC mo.

Magpadala at makatanggap ng mga larawan, dokumento, at higit pa sa pagitan ng magkakalapit na Android device1 at Windows PC2.

Mag-email sa akin ng link

Mukhang hindi compatible ang iyong device sa Quick Share para sa Windows.
Para sa mga Windows computer na gumagamit ng 64-bit na bersyon ng Windows 10 at mas bago. Hindi sinusuportahan ang mga ARM device.

Pagbabahagi

Maglipat nang hindi nahihirapan.

Gamit ang Quick Share, mabilis na maglipat ng mga larawan, video, dokumento, audio file, o buong folder sa pagitan ng iyong Android device at mga Windows desktop at laptop.3

Pribado at secure

Magbahagi sa paraang gusto mo.

Idinisenyo ang Quick Share para sa Windows nang isinasaalang‑alang ang kaligtasan at privacy. Ibig sabihin, makokontrol mo kung sino ang puwedeng makatuklas sa iyong device at makapagpadala ng mga file, lahat man ng tao, mga kaibigan o kapamilya mo lang, o mga sariling device mo lang.

Nagtatrabaho ang isang tao sa may mesa at napapaligiran siya ng iba't ibang telepono, laptop, at desktop computer. Magagamit na nang sama‑sama ang lahat ng device na ito sa pamamagitan ng Quick Share.

Simulan ang pagbabahagi.

Hakbang 1

Kunin ang app.

I‑download ang app, pagkatapos ay i‑install ito sa Windows PC mo.

Hakbang 2

Itakda ang mga preference.

Mag‑sign in sa iyong Google account at itakda ang mga preference mo sa Visibility ng Device mo para mapili kung sino ang puwedeng magbahagi sa iyo.

Hakbang 3

Simulan ang pagbabahagi.

Magpadala at makatanggap ng content nang walang kahirap‑hirap sa Android device at Windows PC mo.

Matuto pa