Ang paglipat sa bagong Android mula sa isang iPhone ay hindi nangangahulugang iiwan mo na ang iyong mga chat sa iMessage at WhatsApp. Puwede mong ligtas na makopya at mailipat ang lahat ng iyong text at mensahe sa WhatsApp sa iyong bagong telepono, at nangangahulugan iyon na mas magiging kumpiyansa ka kapag lumipat ka sa Android. Kapag nagawa mo na, puwede mo nang simulang sulitin ang paggamit ng Messages by Google, kabilang ang Smart Actions, RCS na pagmemensahe, at end-to-end na pag-encrypt.
Madaling ilipat ang mga text message sa iyong bagong Android phone.
Pinapadali ng Android ang paglipat ng mga text message sa iyong bagong telepono. Sa ilang simpleng hakbang lang, puwede mong i-set up ang iyong bagong Android phone at kopyahin ang mga mensahe at iba pang data mula sa iyong iPhone.
- I-on ang bago mong Android phone.
- Kapag na-prompt, ikonekta ang iyong bagong Android phone sa iyong iPhone gamit ang lightning to USB-C cable. Kung mayroon kang mas lumang iPhone, posibleng kailangan mo ng USB-A to USB-C adapter. Tandaan na puwede lang mailipat sa pamamagitan ng cable at hindi sa pamamagitan ng Wi-Fi ang mga mensahe, app, at iba pang piling data.
- Sundin ang mga tagubilin at piliin ang data na gusto mong kopyahin sa iyong bagong Android, kabilang ang mga mensahe. Hindi mo na mauulit ang hakbang na ito pagkatapos mong mag-set up, kaya piliin ang lahat ng gusto mong ilipat.
- I-disable ang iMessage sa iyong lumang iPhone.
Kung nawawala ang ilang mga text message pagkatapos ng paglipat, posibleng mangahulugan ito na may marami ka pang data na kailangang iproseso ng system. Huwag mag-alala. Makikita mo ito pagkatapos ng ilang oras. Kung hindi o nakakaranas ka ng mga error, makatitiyak kang may kopya pa rin ng iyong data ang iyong lumang iPhone kung sakaling kailanganin mong sumubok ulit.
At tapos na. Ganoon lang talaga kasimple iyon. Sa loob lang ng ilang minuto, puwede mong ilipat ang lahat ng iyong text message—at ang mga alaalang dala nito—mula sa iPhone patungo sa iyong bagong Android phone.
Ilipat ang mga chat sa WhatsApp mula sa iPhone patungo sa Android.
Kapag nagkokopya ka ng mga text message sa iyong bagong Android phone, puwede mo ring mailipat ang iyong mga chat sa WhatsApp sa parehong bilis. Kung pipiliin mong magkopya ng mga app at data mula sa isang iPhone papunta sa iyong Android habang naglilipat, isasama ang WhatsApp. Bibigyang-daan ka rin nitong maglipat ng mga app tulad ng Facebook Messenger, Snapchat, at Discord.
Kasama sa paglilipat ng WhatsApp mula sa iPhone patungo sa Android ang mga indibidwal at panggrupong chat pati na rin ang history ng chat mo. Ima-migrate din ng Android ang impormasyon ng account mo, larawan sa profile, media, at mga setting. Ang tanging data na hindi mo makokopya sa iyong bagong telepono ay ang mga mensahe ng peer-to-peer na pagbabayad, history ng tawag, at mga status.
Sundin ang mga hakbang na ito para mailipat ang history ng chat mo sa WhatsApp mula sa isang iPhone patungo sa iyong bagong Android device.*
- Simulan ang proseso ng pag-set up at piliing magkopya ng mga app at data.
- Ikonekta ang mga telepono sa pamamagitan ng cable kapag na-prompt. Piliin ang Trust kung may lalabas na babala sa iyong iPhone.
- Mag-sign in sa iyong Google Account sa iyong Android.
- Pumili ng mga app kasama ng anumang iba pang data na gusto mong ilipat sa screen ng pagkopya.
- Panatilihing naka-unlock ang iyong iPhone sa proseso ng paglilipat.
- Kapag na-prompt, gamitin ang camera ng iyong iPhone para i-scan ang QR code na ipinapakita sa iyong Android.
- I-export ang data sa iyong Android sa WhatsApp iOS.
- Idiskonekta ang parehong telepono kapag tapos na ang paglilipat.
- Buksan ang WhatsApp sa iyong Android phone at mag-sign in.
Sundin ang mga hakbang na ito kung ililipat mo ang WhatsApp mula sa iPhone patungo sa bagong Samsung phone.*
- Buksan ang Samsung Smart Switch.
- Kapag lumabas ang QR code sa iyong bagong Samsung phone, i-scan ito gamit ang camera ng iyong iPhone.
- I-tap ang Start sa iyong iPhone, at magpapatuloy ang proseso.
- Kapag tapos na ang pag-set up, buksan ang WhatsApp sa iyong bagong Samsung Android at mag-log in.
- I-tap ang I-import at hayaang matapos ang proseso.
Gumawa nang higit pa sa Messages by Google.
Ngayong nailipat mo na ang lahat ng iyong text message mula sa iyong iPhone patungo sa bago mong Android, ipagpatuloy ang pag-uusap. Tumutulong sa iyo ang ng Messages by Google na manatili kang napapalapit at gumawa ng higit pa sa mga taong pinakamahalaga sa iyo.
Nagte-text sa isang kaibigan at nagpaplano ng hapunan? Katulad ng kani-kanilang pangalan, pinaninindigan ng Smart Reply at Smart Actions ang kakayahan nito. Binibigyang-daan ka ng Smart Reply na sumagot nang mabilis gamit ang mga naka-pre write na sagot tulad ng “Oo” o “Mukhang maganda” sa isang pag-tap lang. Tumutulong sa iyo ang Smart Actions na magplano ng isang hindi malilimutang gabi, na nagbibigay-daan sa iyong ibahagi ang iyong lokasyon, maglagay ng mga plano sa iyong kalendaryo, at higit pa.
At gumagawa ang Messages by Google ng mga bagong paraan para matulungan kang masulit ang iyong mga pag-uusap. Magic Compose—isang pang-eksperimentong feature para sa mga subscriber ng Google One na may mga Pixel o Samsung phone—gumagamit ng generative AI para magdagdag ng spark sa iyong personalidad sa mga pag-uusap mo. Puwede itong magmungkahi ng mas mahaba at mas naka-personalize na mga sagot batay sa konteksto ng pag-uusap, at puwede nitong baguhin sa iba't ibang istilo at tono ang iyong isinusulat, tulad ng Chill, Excited, Shakespeare, at higit pa.
I-boost ang iyong mga pag-uusap gamit ang RCS na pagmemensahe.
Pinapadali ng Messages by Google na manatiling nakakonekta at nakikipag-ugnayan sa Rich Communications Services (RCS). Pinapagana ng RCS ang Messages by Google, ang modernong pamantayan sa industriya para sa pagmemensahe, para gawing mas madaling manatiling nakakonekta sa iyong mga kaibigan sa Android. Bukod pa rito, gamit ang Messages by Google, puwede kang magbahagi ng mga reaksyon sa iyong mga kaibigan—kahit anong uri ng telepono ang kanilang ginagamit.
Sa Messages by Google at RCS, magagawa mong
- Ma-enjoy ang proteksyon ng end-to-end na pag-encrypt.
- Magbahagi ng mga larawan at video na may mataas na kalidad.
- Makita kung nagta-type sa chat ang iba.
- Makakuha ng resibo na nabasa na.
- Magpadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng Wi-Fi.
Manatiling nakakonekta sa mga Android device.
Nagbibigay-daan din sa iyo ang Messages by Google na seamless na ilipat ang pag-uusap sa mga sinusuportahang Android device. Puwede kang magpadala at tumanggap ng mga mensahe sa iyong Android phone, tablet, relo, at Chromebook.* At magagamit mo rin ang Messages para sa web para makapag-chat sa pamamagitan ng browser ng iyong computer.
Panatilihing ligtas ang iyong mga pag-uusap.
Ligtas at secure ang lahat ng iyong RCS na pag-uusap sa text gamit ang end-to-end na pag-encrypt. Gamit ang real-time na proteksyon sa spam, tumutulong ang Messages na panatilihing ligtas at secure ang iyong mga pag-uusap para makapag-focus ka sa mas magagandang bagay. Gamit ang Messages by Google, magkakaroon ka ng kumpiyansa tungkol sa pagbabahagi ng impormasyon sa pamilya at malalapit na kaibigan.
Lumipat sa Android at ma-experience ang mga benepisyo ng Messages by Google.
Hindi mo na kailangang magpaalam sa mahahalagang alaala kapag lumipat ka sa Android. Sa pamamagitan ng pagpapadali sa paglipat ng SMS, MMS, at iMessage na text at mga media na mensahe, mga chat sa WhatsApp, mga contact, at higit pa, mas madali nang lumipat sa bagong Android phone mula sa iPhone. At kapag na-experience mo na ang kaibahang nagagawa ng Messages by Google, magagalak ka na lumipat ka.
*Sa mga sinusuportahang pag-uusap kapag available at naka-on ang mga RCS chat