Habang nagso-scroll ka sa social media at nakakita ka ng video, larawan, o artikulong nakakakuha ng iyong pansin. Gusto mong malaman kung anong uri ng aso ang iyong nakikita, kung saan binili ng iyong kaibigan ang kanyang cool na bagong jacket, o kung ano ang ibig sabihin ng pariralang hindi mo pa narinig. Pero ayaw mong magpalipat-lipat sa mga app at mawala ang tinitingnan mo. Gamit ang Circle to Search sa iyong Android smartphone, hindi mo na kailangang mag-alangan pa. Ang Circle to Search ay isang bago at mas pinasimpleng paraan ng paghahanap ng hinahanap mo sa mga piling Android device. Gamit ang mga madaling matutunang galaw tulad ng pagbilog, pag-scribble, pag-highlight, at pag-tap, puwede mo nang malaman ang tungkol sa kung ano ang nasa iyong screen nang hindi nagpapalipat-lipat sa mga app. Ang pag-aaral sa kung paano gamitin ang Circle to Search ay nagbibigay-daan sa mas mabilis at mas maginhawang experience sa paghahanap na makukuha mo lang sa Android.
Aling mga Android phone ang kasalukuyang nag-aalok ng Circle to Search?
Eksklusibong available ang bagong Circle to Search sa:
Madaling gamitin ang Circle to Search, at available ito sa simula pa lang sa Samsung Galaxy S24 series. Sa iba pang kwalipikadong device, magiging available ang Circle to Search kapag na-update mo na ang iyong device. Asahang mas makikita mo pa ang makabagong feature na ito sa mas maraming Android phone sa hinaharap.
Paano gamitin ang Circle to Search sa iyong Android smartphone
Kapag nakakita ka ng isang bagay na nagbibigay-interes sa iyo, pindutin nang matagal ang button ng Home para i-activate ang feature. Kung nakatakda ang iyong smartphone sa Navigation gamit ang galaw, pipindutin mo na lang nang matagal ang navigation handle.
Pagkatapos mong pindutin nang matagal ang button ng Home o navigation handle, lalabas ang Google Search bar sa ibaba ng iyong screen. Iyon at isang makulay na animation ang magpapahiwatig sa iyo na handa nang gamitin ang Circle to Search.
Puwede mo ring i-on at i-off ang feature na ito sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting at hanapin ang “Pindutin nang matagal ang home para maghanap” o “I-hold ang handle para maghanap” depende sa kung aling mode ang iyong ginagamit.
Instant na maghanap at tumuklas gamit ang Circle to Search
Iniaalok ng Circle to Search ang wow factor na instant na makita ang hinahanap mo nang hindi kailangang magpalipat-lipat ng app. Gamit ang feature na ito, magagawa mong
- Magbilog ng larawan sa social media.
- Mag-highlight ng text sa isang Mensahe at kopyahin ito.
- Mag-scribble sa larawan ng produktong gusto mong bilhin.
- Mag-tap sa logo ng isang lokal na negosyong gusto mong suportahan.
- Mag-zoom in at mag-pan sa isang larawan sa pamamagitan ng pagpindot sa screen gamit ang dalawang daliri.
Nagbabahagi ang iyong kaibigan ng video ng mga hack para mapanatiling masaya at malusog ang mga halaman habang on the go. Magaganda ang halaman sa video, pero hindi mo alam kung ano ang mga ito. Gamitin lang ang Circle to Search, at instant mo nang makikita ang sagot na hinahanap mo. Kapag nakakita ka ng YouTube Short ng cute na tutang naglalaro ng bongos, matutulungan ka ng Circle to Search na matukoy ang breed, malaman ang kaunti tungkol dito, at makabalik kaagad sa panonood.
Sa pamamagitan ng pagbilog o pag-scribble sa larawan, video, o text, makakakuha ka ng instant na impormasyon kapag may gusto kang malaman. Gamit ang Circle to Search, walang hanggan ang mga posibilidad, at ang tanging limitasyon lang ay ang iyong imahinasyon.
Gumawa ng higit pa gamit ang multisearch at mga AI-powered na overview
Salamat sa Google AI, mas masusulit mo pa ang iyong paggamit ng Circle to Search. Sa mga piling rehiyon at wika, magagamit mo ang multisearch para mas alamin ang iyong mga resulta at makakuha ng higit pang insight. Kapag binilugan mo ang container ng gochujang, puwede mong gamitin ang multisearch para magtanong ng mga follow-up na tanong tulad ng “Sa anong bagay gawa ito?” o “Saan ako makakabili nito?”
Available sa Available sa at para sa ilang partikular na query, nagbibigay ang mga AI-powered na overview ng all-in-one na impormasyon sa paksang pinag-uusapan para sa mas maginhawang paghahanap. At kapag nakuha mo na ang kailangan mo, puwede kang makabalik sa iyong orihinal na konteksto nang hindi nagpapalipat-lipat sa mga app.
Makakuha ng mga instant na resulta gamit ang Circle to Search
Mas pinadali ang pagkatuto, paglago, at pag-explore gamit ang iyong AI-enabled na Android smartphone. Gamit ang Circle to Search, puwede ka nang mas matagal na manatili sa sandali, nakikipag-ugnayan ka man sa isang larawan o text na gusto mong malaman pa o nanonood ng nakakatawang video na nagbibigay ng inspirasyon at pumupukaw sa curiosity. Mas pinapadali ng Circle to Search ang pamimili ng mga bagong sapatos, pagtuklas ng mga kapana-panabik na lugar, at pagpapalawak ng iyong kaalaman—lahat nang hindi nagpapalipat-lipat sa mga app. Dahil hindi mo na kailangang isantabi ang iyong mga ginagawa para mag-explore ng mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan.
Para sa mga device na compatible sa Circle to Search at nagre-require ang koneksyon sa internet. Gumagana sa mga compatible na app at surface. Puwedeng mag-iba ang mga resulta depende sa mga visual na tugma. Para lang sa layunin ng paglalarawan ang mga visual.