Android 11
Ang OS na nagbibigay-daan sa mahahalagang bagay.
I-access nang mabilisan ang pinakamahahalagang bagay. Dahil naka-optimize ang Android 11 para sa kung paano mo gamitin ang iyong telepono. Binibigyan ka nito ng mahuhusay na kontrol ng device. At mas madadaling paraan para pamahalaan ang mga pag-uusap, setting ng privacy, at marami pang iba.
Pamahalaan ang iyong mga pag-uusap.
Tingnan, tugunan, at kontrolin ang iyong mga pag-uusap sa iba't ibang app sa pagmemensahe. Lahat mula sa iisang lugar. Pagkatapos, piliin ang mga taong lagi mong ka-chat. Ipapakita ang mga pag-uusap na may priyoridad sa iyong lock screen. Kaya wala kang mapapalampas na mahalagang bagay.
Mga Bubble
Gamit ang Android 11, puwede kang mag-pin ng mga pag-uusap para laging ipakita ang mga ito sa itaas ng iba pang app at screen. Nagpapatuloy ang pag-uusap sa pamamagitan ng mga bubble—habang nakatuon ka pa rin sa iba mo pang ginagawa. I-access ang chat kahit saan o kahit kailan. Pagkatapos, magpatuloy lang sa ginagawa mo.
Mag-capture at magbahagi ng content.
Built-in na recorder ng screen. Sa wakas.
Gamit ang pag-record ng screen, maka-capture mo ang nangyayari sa iyong telepono. At built-in na ito sa Android 11, kaya hindi mo na kailangan ng karagdagang app. Mag-record nang may tunog mula sa iyong mikropono, o device.
Mas madali nang pumili at magbahagi.
Pumili ng text mula sa iyong mga app. Kumuha rin ng mga larawan. Sa mga Pixel device1, madaling kumopya, mag-save, at magbahagi ng impormasyon sa pagitan ng maraming app. Gaya ng iyong browser, delivery app, o mula sa balita.
Mga kapaki-pakinabang na tool na magpre-predict ng gusto mo.
Isang pag-uusap kung saan sumagot ang user sa mensaheng nagsasabi ng "hey I'm headed out now" gamit ang mga salitang "sounds good!" na pinili sa toolbar ng mga iminumungkahing sagot.
Smart reply
Makakuha ng mga iminumungkahing tugon sa mga pag-uusap. Kumusta, ok, o 👋 kapag kailangan mo. Sa mga Pixel device1, mahusay na nagmumungkahi ang mga tugon batay sa mga madalas mong sinasabi sa pag-uusap—kaya laging isang pindot lang ang kailangan para sa mga kailangan mong salita at emoji.2
Mga iminumungkahing app
I-access nang walang hirap ang mga pinakakailangan mong app. Nagbibigay ang mga Pixel device1 ng mga iminumungkahing app na nagbabago batay sa iyong routine. Kaya makikita mo kung ano ang kailangan mo buong araw, lahat sa ibaba ng iyong home screen. Pinapadali nito ang pagbubukas ng iyong app sa pag-workout sa umaga pagkagising mo. O ang pag-access sa TV app na ginagamit mo kapag oras nang magpahinga.
Mga smart folder
Mas mahuhusay na paraan para isaayos ang iyong mga app. Makakuha ng mahuhusay na suhestyon para sa mga pangalan ng folder sa iyong Pixel device1. Para manatiling maayos ang home screen. Nakabatay sa tema ang mga pangalan—gaya ng trabaho, larawan, fitness, at higit pa.
Kontrolin ang iyong telepono gamit ang boses mo.
Gamit ang Android 11, mas mabilis at mas madaling gamitin ang Pag-access gamit ang Boses. Matutulungan ka ng madadaling unawaing label sa mga app na kontrolin at i-navigate ang iyong telepono, sa pamamagitan lang ng pagsasalita nang malakas. Magagamit mo pa nga ang Pag-access gamit ang Boses offline, para sa higit pang suporta kailan mo man ito kailangan.
Matuto paMga Kontrol ng Device
Gawing mas malamig ang temperatura, at pagkatapos ay padilimin ang iyong mga ilaw. Lahat mula sa iisang lugar sa iyong telepono.3 Pindutin lang nang matagal ang power button para tingnan at pamahalaan ang iyong mga nakakonektang device. Ginagawa nitong higit na mas madali ang buhay sa bahay.
Mga Kontrol ng Media
Lumipat sa iyong headphones mula sa speaker mo nang hindi natitigil ang pakikinig. Mag-tap para pakinggan ang iyong musika o manood ng video sa TV mo. Gamit ang Android 11, mabilis mong mapapalitan ang device kung saan nagpe-play ang iyong media.
Nagpapakita ng Android device sa loob ng kotse. Kapag nag-on ang Android device, awtomatikong ipapakita ang Android app na SpotHero sa dashboard ng kotse.
Ikonekta ang Android sa iyong kotse. Hindi na kailangan ng cable.
Bumiyahe nang walang isinasaksak. Gumagana na ngayon nang wireless ang Android Auto sa mga device na gumagamit ng Android 11—kaya masusulit mo ang iyong telepono sa bawat biyahe.4
Matuto paKontrolado mo kung ano ang naa-access ng mga app.
Pangasiwaan ang iyong data gamit ang Android. Ikaw ang pipili kung bibigyan ang mga app na dina-download mo ng pahintulot na mag-access ng sensitibong data. O hindi. Kaya mananatili kang mas protektado.
Mga one-time na pahintulot
Magbigay ng mga one-time na pahintulot sa mga app na kailangan ang iyong mikropono, camera, o lokasyon. Sa susunod na kailangan ng app ng access, kinakailangang humingi ulit ito ng pahintulot.
Pag-auto reset ng mga pahintulot
Kung may app na matagal mo nang hindi nagagamit, baka mainam na hindi nito ma-access nang tuloy-tuloy ang iyong data. Kaya ire-reset ng Android ang mga pahintulot para sa mga app na hindi mo ginagamit. Puwede mong i-on ulit ang mga pahintulot anumang oras.
Mga update sa seguridad, mula mismo sa Google Play.
Gamit ang Android 11, makakakuha ka ng higit pang pag-aayos sa seguridad at privacy na ipapadala sa iyong telepono mula sa Google Play. Sa parehong paraan kung paano nag-a-update ang iyong iba pang app. Kaya mapapanatag ang isip mo. At mananatiling protektado ang iyong device gamit ang pinakabagong depensa.
Mga teleponong handa na para sa Android 11.
Maranasan kung ano ang mayroon sa Android 11 sa mga device na ginawa para sa pinakabago at pinakamahusay.
At napakarami pang iba.
Mula sa mga pagpapahusay sa seguridad hanggang sa mas madadaling paraan para magtrabaho, may maitutulong ang Android 11 para sa lahat.
Pag-access gamit ang BosesMatutulungan ka ng madadaling unawaing label sa mga app na kontrolin at i-navigate ang iyong telepono, sa pamamagitan lang ng pagsasalita nang malakas. Magagamit mo pa nga ang Pag-access gamit ang Boses offline, para sa higit pang suporta kailan mo man ito kailangan.
Braille keyboard ng TalkBackMag-type ng braille gamit lang ang iyong Android device. Hindi kailangan ng karagdagang hardware.
LookoutMay dalawang bagong mode na ang Lookout. Makakatulong ang I-scan ang Dokumento at Label ng Pagkain para maisagawa ng mga taong bulag o mahina ang paningin ang mga bagay-bagay nang mas mabilis at mas madali. Mao-on din ang iyong flashlight kapag binuksan ang Lookout, para matulungan ang mga user na magbasa kapag madilim. Available na rin ang Lookout sa lahat ng 2GB+ device na gumagamit ng Android 6.0 o mas bago.
Mga pag-optimize ng performance sa 3PMas mahusay pa ang paggana ng iyong camera sa mga platform sa pagbabahagi ng larawan gaya ng Snapchat.
Mag-mute kapag nagka-capture ang cameraMagagamit ng mga developer ang mga bagong API para sa mga app para i-mute ang pag-vibrate mula sa mga ringtone, alarm, o notification.
Mga bokeh modePuwede nang humiling ang mga developer ng bokeh na larawan sa pamamagitan ng mga Android camera2 API.
Suporta sa camera sa EmulatorSumusuporta na sa ganap na functional na camera HAL. Ginagawa nitong mas madali para sa mga developer na sumubok ng mga app gamit ang mga pinakabagong Android camera2 API.
Bedtime ModePinapatahimik ng Bedtime Mode ang iyong telepono kapag oras na para matulog. Iiskedyul itong gumana nang awtomatiko o habang nagcha-charge ang iyong telepono kapag nagpapahinga ka. Lilipat sa grayscale ang iyong screen at isa-silent ang iyong mga notification gamit ang Huwag Istorbohin.
ClockMakakapagtakda ka ng mainam na iskedyul ng pagtulog gamit ang bagong feature sa oras ng pagtulog ng Clock. Subaybayan ang tagal ng paggamit sa gabi at gawing pampatulog ang mga nagpapakalmang tunog. Pagkatapos, gawing pampagising ang paborito mong kanta. O gamitin ang Sunrise Alarm na unti-unting nagpapaliwanag ng iyong screen para simulan ang araw.
Mga pagpapahusay sa profile sa trabahoMakakuha ng ganap na privacy sa iyong IT sa profile sa trabaho mo sa mga device na pagmamay-ari ng kumpanya. Dagdag pa ang mga bagong feature sa pamamahala ng asset para matiyak ng IT ang seguridad nang hindi nakikita ang personal na paggamit.
Mga naka-connect na work at personal appIkonekta ang mga pantrabaho at personal na app para makita nang magkakasama ang iyong impormasyon sa mga lugar gaya ng kalendaryo o mga paalala mo.
Iiskedyul ang profile sa trabahoDumiskonekta sa trabaho sa madaling paraan. Gamit ang Android 11, makakapagtakda ka na ng iskedyul para awtomatikong i-on at i-off ang iyong profile sa trabaho.
-Tab ng trabaho sa mas maraming lugarGamitin ang tab ng trabaho sa mas maraming lugar para magbahagi at gumawa ng mga pagkilos sa pantrabaho at personal na profile. Tingnan ang mga tab ng trabaho kapag nagbabahagi, kapag nagbubukas ng mga app, at sa mga setting.
Mga notification sa access sa lokasyonMakakuha ng bagong notification kung na-on ng IT admin mo ang mga serbisyo ng lokasyon sa iyong pinapamahalaang device.
Mga kontrol ng devicePamahalaan ang iyong mga nakakonektang device sa madaling paraan mula sa iisang lugar sa iyong telepono.3
Mga kontrol ng mediaGamit ang Android 11, mabilis mong mapapalitan ang device kung saan nagpe-play ang iyong media.
Android AutoGumagana na nang wireless ang Android Auto4 sa mga device na gumagamit ng Android 11.
Bluetooth airplane mode na nakabatay sa kontekstoKung may headphones o mga hearing aid na nakakonekta sa iyong telepono, mananatiling naka-on ang Bluetooth kung ie-enable mo ang Airplane mode.
Mga Pag-uusapTingnan, tugunan, at kontrolin ang iyong mga pag-uusap sa iba't ibang app sa pagmemensahe. Lahat mula sa iisang lugar. Pumili ng mga priyoridad na pag-uusap na ipapakita sa iyong lock screen.
Mga BubbleMag-pin ng mga pag-uusap para laging ipakita ang mga ito sa itaas ng iba pang app at screen. Para ma-access mo ang chat kahit saan o kahit kailan.
Smart replySa mga Pixel device1, mahusay na nagmumungkahi ng mga tugon batay sa mga sinabi sa pag-uusap.2
Autofill ng keyboardBinibigyan ka ng GBoard ng mga suhestyon para tulungang punan ang mga form gamit ang impormasyong pinakamadalas mong gamitin. Gaya ng mga password o address ng tahanan.
Overview ng mga pagkilosSa mga Pixel device1, puwede kang kumopya, mag-save, at magbahagi ng impormasyon sa pagitan ng maraming app sa madaling paraan.
Quick ShareMabilisan at ligtas na magpadala ng mga file, video, lokasyon sa mapa, at higit pa sa mga device sa malapit. Gumagana sa mga Android device, Chromebook, o device na gumagamit ng Chrome browser.
Mga one-time na pahintulotMagbigay ng mga one-time na pahintulot sa mga app na kailangan ang iyong mikropono, camera, o lokasyon. Sa susunod na kailangan ng app ng access, kinakailangang humingi ulit ito ng pahintulot.
Pag-auto reset ng mga pahintulotKung may app na matagal mo nang hindi nagagamit, baka mainam na hindi nito ma-access nang tuloy-tuloy ang iyong data. Kaya ire-reset ng Android ang mga pahintulot para sa mga app na hindi mo ginagamit. Puwede mong i-on ulit ang mga pahintulot anumang oras.
Mga update sa system ng Google PlayGamit ang Android 11, makakakuha ka ng higit pang pag-aayos sa seguridad at privacy na ipapadala sa iyong telepono mula mismo sa Google Play. Para manatiling protektado ang iyong device gamit ang pinakabagong depensa.
Scoped storageNililimitahan ng Android ang malawakang access sa nakabahaging storage para sa lahat ng app na gumagamit ng Android 11, para manatiling mas protektado ang iyong impormasyon.
Magpatuloy pagkatapos mag-rebootMagpatuloy kung saan ka mismo nagsimula. Gagana kaagad ang mga app pagkatapos mag-install ng update. Para wala kang mapapalampas na notification pagkatapos mong i-reboot ang iyong telepono.
Mga naka-block na pahintulotKung tanggihan ng user ang isang pahintulot sa app nang maraming beses, iba-block ang app sa paghiling ng pahintulot na ito ulit.
Soft restartMakakuha ng mga update sa system ng Google Play kapag idle ang iyong telepono, nang hindi kailangang tuluyang mag-reboot.
Lokasyon sa backgroundMakakuha ng higit pang kontrol sa pagbabahagi ng lokasyon sa mga app na hindi ginagamit. Para hindi magkaroon ng access ang mga app sa data na higit sa kailangan ng mga ito.
Recorder ng screenBuilt in na ang recorder ng screen, kaya hindi mo na kailangan ng karagdagang app. Mag-record nang may tunog mula sa iyong mikropono, device, o pareho.
Mga iminumungkahing appNagbibigay na ang mga Pixel device1 ng mga iminumungkahing app batay sa iyong mga pang-araw-araw na routine. Ipapakita ang mga app na ito sa ibabang row ng iyong home screen. Para makuha mo ang mga kailangan mong app kapag kailangan mo ang mga ito.
Mga smart folderMakakita ng mahuhusay na suhestyon para sa mga pangalan ng folder sa iyong Pixel device1. Para manatiling maayos ang home screen.
Pag-screen ng tawagMga bagong API para mas mahusay na matukoy ng mga screening app ang mga spam na tawag.
Iiskedyul ang Dark modeIiskedyul kung kailan mo gustong i-on ng iyong telepono ang Dark mode. At kung kailan mo ito gustong bumalik sa karaniwang display.
Picture-in-picturePuwedeng isaayos ang mga picture-in-picture na window para kumasya sa kailangan mong laki.
API sa pag-detect ng 5GGamit ang mga bagong API, malalaman ng mga app kung nakakonekta ka sa 5G. Para maging mas mahusay ang performance.
Suporta sa sensor ng anggulo ng hingePara mas mahusay na masuportahan ng mga app ang lahat ng uri ng foldable na configuration.
Pag-tether sa ethernetMagbahagi ng naka-tether na koneksyon sa internet gamit ang USB ethernet dongle.
Pagkasensitibo sa galawKapag gumagamit ng pag-navigate gamit ang mga galaw, puwede mo nang pahusayin nang magkahiwalay ang mga galaw sa kaliwa at kanang gilid para Bumalik.
History ng notificationAvailable na ang iyong history ng notification sa mga setting.
SharesheetI-pin ang mga app na pinakamadalas mong gamitin sa Sharesheet.