Bagong paraan para makipag-usap.
Bagong paraan para makipag-usap.
Sumali sa pag-uusap. Nagbibigay ang Instant Transcribe sa mga taong bingi o may problema sa pandinig ng bagong paraan para kumonekta sa mga taong may pandinig.
Magkakaiba ang lahat sa kung paano nila gamitin ang kani-kanilang device. Kaya tinitingnan namin ang makabagong teknolohiya at pinag-iisipan kung “Paano nito malulutas ang isang problema para sa isang tunay na tao?” Mula sa mga tool na tumutulong sa mga taong intindihin pa ang tungkol sa paligid nila. Hanggang sa mga produktong nagpapadali ng pag-uusap sa pamamagitan ng agarang pagsasalin ng salita para gawin itong text. Higit pa ito sa pag-alam kung ano ang kailangan ng mga tunay na tao. Tungkol ito sa paggawa ng mga nakakatulong na solusyon.
Gamit ang Sound Amplifier, magagawa ng iyong telepono na i-boost ang tunog, i-filter ang ingay sa background, at mag-fine tune ayon sa kung paano ka pinakamabuting nakakarinig. Nanonood ka man ng TV o nagsasalita sa kuwartong maraming tao—ikabit lang ang iyong headphones.
May built-in na suporta na ngayon ang Android 10 para sa pag-stream ng media at mga tawag nang direkta sa mga hearing aid. Gumagamit ng bluetooth low energy para makapag-stream ka nang mas matagal.
Matuto paSa pamamagitan ng Lookout, gamitin ang iyong camera para tulungan kang tukuyin kung ano ang nasa paligid mo. Itapat lang ito sa isang bagay para alamin kung ano ito. Gaya ng pagkaing nakapatong sa iyong chopping board.
Gawing mas malaki at madaling makita ang text at mga icon.
I-calibrate ang mga kulay sa iyong telepono para mas madaling makita ang pagkakaiba-iba.
Gamit ang Voice Access, maa-access mo ang iyong telepono sa pamamagitan lang ng boses mo. Buksan ang mga app, mag-navigate sa mga screen, mag-type ng mga mensahe, at mag-edit ng text. Lahat sa pamamagitan lang ng pagsasalita nang malakas.
I-tap lang ang button para i-access ang mga feature na pinakamadalas mong gamitin. Hindi kailangan ng pag-swipe o iba pang galaw.
Naniniwala kami sa pagbuo ng mga bagay kasama ng mga tunay na user. Gawing mas matulungin at epektibo ang aming mga accessibility products sa pamamagitan ng pagsali sa aming mga test group at user studies.
Narito kami para tumulong. Alamin kung paano gamitin ang aming mga Accessibility Tools at makakuha ng tulong na angkop sayo mula sa aming Support Team para sa May Kapansanan.